Nung una talaga, hindi ko alam na makakapagsimula ako ng kwento sa wattpad, isang buwan pa lang akong nagbabasa sa watty tapos isang hapon, may biglang pumitik sa utak ko,at isang oras kong binungkal ang mga notebooks ko nung highschool na pinagsusulatan ko ng mga concepts ko dati. Nung mga third at fourth year ako, madalas akong nagsusulat ng kwento, kaso hanggang simula lang, tamad kasi akong magsulat eh, at saka wala akong tiwala sa mga pinaggagawa ko sa kwento kaya tinigil ko nga.
At nang i-upload ko nga ang Beware of His Spell, eh iyon na! Concept ko lang talaga sa kwentong 'to eh, mga vigilantes sila, na magmamahal pero pipigilan sila ng trabaho at mundong pinasok nila. Yun lang ang concept ko, dati. Yung mga unang dalawang chapters, hindi ko alam kung paano patatakbuhin ang story. But thank God, ideas are coming. May plano na 'ko hanggang matapos ang kwento pati ang unang chapter ng magiging book 2.
Wala akong karanasan sa pag-ibig, kahit romance ang category ng mga stories ko. Pero sinusubukan kong magkaroon naman ng buhay ang mga characters at mga circumstances sa kwento.
Sa dalawang kwentong 'to, alam ko na hindi ko makakayang makipagsabayan sa top ten stories sa wattpad. At hindi ko pa din matawag ang sarili ko na talagang writer. Pero bilang 'may-likha' sa mga gawa ko, alam ko na ang isang tunay na writer lang ang makakapagsabi o makaka-appreciate ng mga ginawa niya. Hindi ang bilang ng mga reads, votes, likes at fans. Pero salamat na din sa kanila.(O_^)
At na kahit maimbak lang at walang makabasa sa mga ginawa niya, siya lang ang makpagsasabi na isang 'obra' yun.
At na kahit maimbak lang at walang makabasa sa mga ginawa niya, siya lang ang makpagsasabi na isang 'obra' yun.
{fay.vree.ay. e.twal}
No comments:
Post a Comment