Anything that popped in my mind as a 'puchu-puchu' writer, as a student, as a girl...blah blah blah........
Friday, December 2, 2011
Thursday, December 1, 2011
Saito Yakumo [ PSYCHIC DETECTIVE]
Two of my favorite characters?!
Saito Yakumo and Haruka Azawa of Psychic Detective.
'Really love their tandem!!!!!!!!!!!!!
Saito Yakumo and Haruka Azawa of Psychic Detective.
'Really love their tandem!!!!!!!!!!!!!
Monday, November 21, 2011
Monday, October 31, 2011
My Stories in Wattpad
Nung una talaga, hindi ko alam na makakapagsimula ako ng kwento sa wattpad, isang buwan pa lang akong nagbabasa sa watty tapos isang hapon, may biglang pumitik sa utak ko,at isang oras kong binungkal ang mga notebooks ko nung highschool na pinagsusulatan ko ng mga concepts ko dati.
Nung mga third at fourth year ako, madalas akong nagsusulat ng kwento, kaso hanggang simula lang, tamad kasi akong magsulat eh, at saka wala akong tiwala sa mga pinaggagawa ko sa kwento kaya tinigil ko nga.
At nang i-upload ko nga ang Beware of His Spell, eh iyon na! Concept ko lang talaga sa kwentong 'to eh, mga vigilantes sila, na magmamahal pero pipigilan sila ng trabaho at mundong pinasok nila. Yun lang ang concept ko, dati. Yung mga unang dalawang chapters, hindi ko alam kung paano patatakbuhin ang story. But thank God, ideas are coming. May plano na 'ko hanggang matapos ang kwento pati ang unang chapter ng magiging book 2.
Yung The Billionaire and the Witch naman na matagal na on hold eh concept ko nitong nagda-drama ko sa buhay,bwehehehe. It's all about freedom and one's choice in life.At kung paano magwo-work-out ang isang relasyon nang ang dalawang taong involved dito ay magkaiba ang ugali, magkaiba ang piniling mundo. Isa na sinilang talaga sa mayamang pamilya na gustong mamuhay sa kasimplehan, sukdulang tawagin siyang mangkukulam ng mga tao. At ang isang bilyonaryo na nahubog ang ugali dahil sa marami niyang karanasan sa buhay. At isang 'deal' na mag-uugnay sa kanila.
Wala akong karanasan sa pag-ibig, kahit romance ang category ng mga stories ko. Pero sinusubukan kong magkaroon naman ng buhay ang mga characters at mga circumstances sa kwento.
Sa dalawang kwentong 'to, alam ko na hindi ko makakayang makipagsabayan sa top ten stories sa wattpad. At hindi ko pa din matawag ang sarili ko na talagang writer. Pero bilang 'may-likha' sa mga gawa ko, alam ko na ang isang tunay na writer lang ang makakapagsabi o makaka-appreciate ng mga ginawa niya. Hindi ang bilang ng mga reads, votes, likes at fans. Pero salamat na din sa kanila.(O_^)
At na kahit maimbak lang at walang makabasa sa mga ginawa niya, siya lang ang makpagsasabi na isang 'obra' yun.
At na kahit maimbak lang at walang makabasa sa mga ginawa niya, siya lang ang makpagsasabi na isang 'obra' yun.
{fay.vree.ay. e.twal}
The Traffic News
Kapag nanonood ako sa Tv, at traffic news na,hindi ako napapapalatak dahil sa araw-araw na pagkakabuhol ng traffic sa Pilipinas,at lalong hindi ko inaabangan yun para maging updated.
I'm just wondering...na sa dami ng tao sa Pilipinas...sino kaya sa kanila ang magkakaroon ng malaking koneksyon sa'kin?
Sino sa mga pasahero ng libu-libong buses, jeepneys, at iba pang pampasaherong sasakyan?
Sino sa mga nagmamaneho o sakay ng iba't ibang uri ng private vehicles?
Sino sa mga nagtatrabaho sa highways?
Hmmmmnnn...
Napakalaki ng MUNDO...
Subscribe to:
Posts (Atom)